Uupo siya sa harap ng computer, tapos maririnig ko na lang ang kumakaripas niyang mga daliri. Mabilis ang pagtype niya ng mga salita. Tanging paglunok lang ng laway ang kanyang pahinga. Tatayo siya, tapos pupunta sa water dispenser at iinom ng malamig na tubig. Susulat ulit. Lulunok ng laway. Iuunat ang hita. Tatayo. Water dispenser. Inom ng malamig na tubig.

“Kung blogger ka, hindi ka napapagod.”, iyan ang sabi ni Ate Judy sa akin.

Tuwing break niya sa trabaho ay nagsusulat ito ng mga bagong blog. Noong nakaraang taon ay sumikat ang blog niya na “Date a girl who rides the MRT.” Ito ay nalathala sa mga malalaking network. Ito ay isang rebolusyon para kalampagin ang inutil na sistema ng MRT/LRT sa kalahkang Maynila.

Nakikita ko kay Ate Judy si Jose Rizal, bagamat mahinhin ito sa paggalaw, ngunit ang talas at gilas ng mga salita ay kayang impluwensiyahan ang mga tao. Hindi bala kundi labanan ng tinta.

Si Judy Santiago ay isa lamang sa mga blogger na walang pagod sa pagbabahagi ng kanilang mga saluobin sa mga isyu na hinaharap ng lipunan. Tinatayang may 25,000 bloggers sa Pilipinas.

Pero bakit hindi natin sila marinig?

Bukod sa mahina at mahal na internet koneksyon, ay walang opportunidad para mapabuti ng mga bloggers ang kanilang mga angking kakayahan. Naiipit sila sa mga malalaki at nag-uunpugang mga websites at blogs na nagbebenta ng sabon at kung ano-ano pa. Walang batas o regulasyon din na nagpapakilala sa kanila bilang mga importanteng myembro ng lipunan na may maitutulong sana lalong-lalo na sa larangan ng komunikasyon. Hindi naman siguro masakit kung merong Blog consciousness month, o blogging act of the Philippines.

Kung magagamit ng maayos ang blogging sa Pilipinas ay malaki ang maitutulong nito para maabot ng ating bansa ang mga magagandang hangarin nito. Sa pamamagitan ng blog ay maihahatid natin ang mga makabuluhang mga isyu. Maipapakita natin ang ating demokrasya sa pamamagitan ng blogging.

Ngunit walang magagawa ang mga kagaya ni Judy sa ngayon.

Ipapagpatuloy niya pa din ang pagbabantay sa mga nangyayari sa Maynila. Isusulat niya pa din kung paano malugmok at mahipuan ang mga babae sa MRT at kung paano nawawala ang moral at galang ng mga kabataan tuwing nag-aagawan ng masasakyan pauwi.  Dahil kung ititigil niya ito, tuluyan ng lulutang ang kasinungalingan at panlilinlang, hihina nang hihina ang boses ng mga karaniwang tao.

Advertisements

2 thoughts on “Mag-BLOG like Judy

  1. In the US, November is National Blog Posting Month, when professional and recreational bloggers post one entry each day for the entire month. Why not start one in the Philippines, Mutya? 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s