Ang inyong kapalaran sa 2015.

Ang mga bituin, planeta, ulap, kometa, UFO, buwan at kung ano-ano pang gumagalaw sa kalangitan ay may kahulugan. Bawat pag-galaw, posisyon at orientasyon nila sa kalwakan ay nagbabadya ng ibat-ibang mga pangyayari sa ating kalupaan. Dahil, mahilig akong magbigay ng kahulugan sa lahat ng bagay sa kalangitan, o marahil may angking kakayahan ako para tanawin ang hinaharap ay nais kung ihatid sa inyo ang aking mga prediksyon sa paparating na taon ng mga tupa.

Para sa mga Aries: Maganda ang pasok ng taon mo. Dahil  malakas ang inpulwensya ng planetang Uranus  ay may makikilala kang isang tao na magiging close mo, ngunit magiging problemado ka dahil magdadala siya ng ibat-ibang mga sakit. Para maiwasan ito, lumayo sa mga taong may mga sakit at uminom ng maraming vitamins araw-araw. Lucky number mo ay 15 dahil araw ng sweldo, Lucky color mo ay White. Mag-ingat sa mga mandurukot, huwag sumandal sa magkabilang pintuan ng tren.

Para sa mga Taurus, Magpapatuloy ang init ng inyong pag-iibigan. Dahil nag enjoy ka sa vacation leave mo sa nakaraang taon ay mas mag-eenjoy ka ngayon. Ngunit, dapat maging maagap ka, dahil mabilis ang ikot ng mga planeta, dapat e- plot mo na ang next mo na vacation leave dahil pwedeng hindi kayo magkasabay ng minamahal mo. Sa career, patuloy ang pamumulaklak ng iyong karera, ang mga post mo sa youtube ay magiging sikat, marami ang mahahalina sa  mga picture mo sa facebook. Lucky number 15, dahil sa uulitin araw ng sweldo. Lucky color ay pula.

Para sa mga Gemini: Maraming lalaki at babae ang labas pasok sa iyo, pero may isang susungkit ng perlas sa silanganan ngayong taon. 

 Para sa mga Cancer: Isang suliranin ang papasok sa taong ito. Kailangan mong maging alerto. Kung buhay pag-ibig ang pag-uusapan walang bagong mangyayari. Swerte ka sa karera ngayon, may isa kang desisyon na dapat gawin, dapat mo bang sundin ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan o ang makapagbibigay sa yo ng kasiguraduhan? Lucky number ay 15 at 30 dahil sweldo.

Para sa mga Leo: Dahil sa angking lakas at laki ng iyong katawan ay marami kang mabubuly sa taong ito. Palaging gutom ang lahat ng nasa paligid mo dahil ang lahat ng mga pagkain ay mapupunta sa iyo. Medyo matamlay ang buhay pag-ibig mo, pero may makikilala ka na magbibigay kulay sa napapagod mong puso.

Para sa mga virgo. Iwasan ang mga taong negative sa taong ito dahil magdadala sila ng malas at sakit sa iyo. Panatilihing mag make-up at nakapustura ka palagi para ang swerte at susunod sa iyo. Ang tubig ang nagdadala sa iyo sa swerte kaya magbaon ng tubig palagi sa bag, kung mainit ang ulo o may problema uminom ng tubig para makita ang solusyon.

Para sa mga Libra. Magiging mayaman ang kompanya mo dahil sa iyo. Kung sa hospital ka, ikaw ang magdadala ng mga pasyente, kung ikaw ang duty, may admission, may trans-out at marami ang mangyayari, Dahil diyan, magiging malakas at matatag ang mga nakapalibot sa iyo. Mag-ingat sa pagdrive ng sasakyan.

Para sa mga Scorpio. Ang taong ito ay turning point ng karera mo. May mga desisyon kang dapat gawin. Masaya ang buhay pag-ibig mo sa buong taon, marami kayong oras na magkasama. Malaki ang magiging epekto ng mga desisyon mo sa iyong nasasakupan. Sa taong ito, dapat panatilihing malapit ka sa iyong mga BFF dahil sila ang magdadala sa iyo ng swerte sa buhay. Nakikita kung may pupuntahan kang malayong lugar… maraming mga luha ang papatak pero ang mga naituro mo sa mga iyong nasasakupan ay mananatili habang buhay.

Para sa mga Sagitarius: Uusad ang buhay pag-ibig niyo, kasabay ng inyong mga karera. mabilis ang takbo niyo sa taong ito. Dahil malapit ka sa Saturn, may mga taong pipigil sa inyo, may mga nakalipas kayo na babalik sa taong ito na siyang makakaapekto sa inyong mga gagawing desisyon. Kahit mabilis ang galaw niyo sa taong ito, may mga oras na mahuhuli kayo sa pagpasok sa trabaho at sa eskwela.

Para sa mga Capricorn. Kung wala kang pag-ibig sa nakaraang taon, may makikilala ka sa taong ito, bagong lalaki na magpapatibok sa iyong malamig na puso. Kalimutan mo na ang nakaraan at harapin ang bagong Hunk na magpapainit sa araw mo. Sa trabaho, patuloy ang pagiging Amazona mo,mas lalo kang lalakas at gagaling sa taong ito. Kumain ng sobra bago pumasok sa trabaho.

Para sa mga Aquarious. Ikaw ang may pinakamaserte na buhay pag-ibig sa taong ito kung makikita mo ang mga senyakles na hatid ng Neptune at Pluto. Maraming mga lalaki ang papasok sa iyong konstelasyon, ibat-ibang laki at katangian, mabubusog ka, subalit darating sila ng sabayan kaya dapat mabilis ang iyong pagpili. Maging maingat sa pagpili. Ang lucky color mo ay BLUE, dahil magiging bestfriend mo ang mortuary bag, Lucky number mo ay, hindi ko pa mabatid, dahil erratic ang reading ko, depende sa census ng mga bituin.  Mag-ingat ka din sa Taxi sa pag-uwi, iwasan na ang pagkain ng dalawang chicken at spag.

Para sa mga Pisces. Mag-ingat sa mga Aquarious dahil sila ang kaagawan mo sa pag-ibig ngayong taon. Panatilihing malapit palagi ang mahal mo sa iyo. Magpost ka pa ng maraming picture na magkasama kayo sa Facebook para mas malapit ang swerte.

Ito na po ang lahat ng mga nabasa ko mula sa kalangitan. Ating tandaan po, ang mga bituin, planeta at mga ulap ay mga gabay lang sa ating mga buhay, mas maganda pa din ang pagdarasal at pananalig sa ating mga sarili.

IMG_20141231_152113

Advertisements