Don’t reach for the dolphins, starfish . . .

“Until one has loved an animal,
a part of one’s soul remains unawakened. –
Anatole France

Every one of us has the moral obligation to protect the environment and all the creatures in it. As stewards of God’s creation, it is our duty to speak and dissent even no one is listening, even it is painful and bitter, against any acts that malign, disrespect and rape these beautiful treasures which are bestowed upon us.

Last week, I visited a popular tourist attraction in North Luzon. I enjoyed swimming and while observing a group of people diving, running and eating. What made my heart cried-out was when a young woman picked a couple of red and orange starfish and had picture taking with the poor, defenceless animal under the scorching heat of the sun. After which, she returned the starfish in the water as if it was a piece of rock.

It was so wrong. It shall not pass.

Marine animals like the poor starfish deserve respect. Just imagine you were sleeping then someone lifted you out of bed to take photos. How would you feel?

Touching and disturbing marine sea creatures causes stress which can alter their physiological processes. In fact, when you lift a starfish out of the water and expose it under the sun, you caused an alteration of its biofilms that protects it from toxic substances.

Congratulations the lady just killed a starfish!

We could have prevented this if we have proper environmental knowledge. An awareness campaign should be intensified especially during summer and must be a part of any briefing procedures in tourist destinations.

But all is not lost for us. As humans we can step-up. We can correct our mistake before it’s too late.

Finally, I want to quote Justice Marvic Leonen of the Philippine Supreme Court in his concurring opinion on a landmark case between marine creatures in Sea Scape Tanon and the Philippine government. He said:

“We honor every living creature when we take care of our environment. As sentient species, we do not lack in the wisdom or sensitivity to realize that we only borrow the resources that we use to survive and to thrive. We are not incapable of mitigating the greed that is slowly causing the demise of our planet. In this way and with candor and courage, we fully shoulder the responsibility deserving of the grace and power endowed on our species.”

#Mutya

 

Ang Kapangyarihan ng Kweba ni Inday Nelly

                                                                       

                                                                                                                 Para takasan ang buhay at patay sa ospital ay minabuti naming pumuncaveta sa lugar na tahimik, malayo sa mga taong naninigarilyo sa gilid ng ospital:lumalabag sa Clean Air Act, sa mga kumakain ng breakfast meal sa Jolibee:nagtitipid, sa usbong ng lupa na pilit na binubungkal sa gilid ng Mercury:nagpapalago ng negosyo, sa mga maamoy at masangsang na singaw ng mga kilikiling mga drayber ng taxi:mahal ang tubig sa Maynila, mga taong kumakaripas, tumatakbo para maabot ang kanilang mga pangarap:The hopefuls; sa tahimik daw, pero para sa akin ay masalimuot na pamumuhay sa the Fort.

Kasama ko ang dalawang magagandang babae, si Maam Krizel at maam Kreng ay tinangka naming tuklasin ang mga hindi pa naabot, nagagawa, naiisipng isangtaong pagod. 6AM ang pagkikita sa Kalayaan. Galing akong 12 hours na duty, ang isa wala pang tulog. Strict ang charge nurse ko dito. Dapat 6AM talaga. Kumain kami sa simpli pero masarap na carenderia sa Kalayaan. Totoo nga, masarap ang simple, gulay lang tama na, malayo sa mga nakakamatay na fried chicken at leimpo sa the Fort.

Nang matapos na malunod kami sa sarap ng monggo at lumpia ay sumakay kami sa van na nakapasada sa intersection ng Kalayaan. Papunta ito ng Antipolo.  Antipolo, galing sa salitang “tipolo” o breadfruit na sagana sa lugar noong panahon ng mga kastila.Ito ang pinakamalaking bayan sa lungsod ng Rizal. Kilala din ang Antipolo bilang destinasyon kung panahon ng Mahal na araw dahil dito nakaluklok ang banal na Marian image ang Lady of Peace and Good Voyage na galing pa sa Mexico ng 16th siglo. Kilala din ang Antipolo sa kanilang suman na masarap at sariwa.

Ang Antipolo Church ang sadya namin, dahil nga patron ito ng manlalakbay lalong lalo na kailangan ito ni Mam Krizel na papunta sa ibang bansa, kailangan din ito kaya ni Mam Kreng? Ako kailangan ko ito dahil ito ay ang patron din nga kapayapaan, maraming digmaan sa aking kaibuturan na kailangan na ding magkaroon ng ceasefire.

Masikip ang van, ang buhay talaga masikip, nag-uunahan. Bakit ba ang buhay ay parang karera para sa iba? Masikip na nga papasok pa, yan tuloy ang sanhi ng mga gulo. Mainit ang ulo, walang disiplina. Pero, hindi ko din sila masisi, baka kasi mahal naman ngayon ang gasolina. 50 pesos ang pamasahe, nagbayad kami, kanya-kanya.

Dumating kami sa Antipolo Church pagkatapos ng dalawang oras. Iba ang simoy ng hangin, naalala ko ang mga bulaklak ko sa aking halamanan sa Iloilo. May ibang hangin ang dumapo sa aking mga kamay. Isang matandang babae, nag-abot sa akin ng tatlong imahe ng the holy family.

“Apo, libre.”

“Salamat po.”

“Apo, kahit barya lang pagkain lang ni lola.”

“Ito po ang sampung piso.”

“Apo, beinte ang isa.”

“Sige lola, isa po.”

“Apo, hindi pwedeng paghiwalayin.”

Oo, nga naman, may punto si lola, hindi nga naman pwedeng paghiwalayin ang holy family, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan pang gamitin ang Diyos, Ang ina at ang Anak para kumita ng pera.

Bago kami pumasok sa pintuan ng simbahan ay kumatok kami ni tatlong beses para mag wish, iyon ay ayon kay ma’am Kreng. Umupo kami, lumuhod, salamat at naabutan namin ang banal na misa. Ang homilya ay mistulang mga sibat na tumama sa aming mga laman:, ang ibig sabihin ng sakripisyo. Namuo ang mga butil ng luha sa aking mga mata, hanggang dumaloy ito na parang mga unang patak ng ulan, hanggang naging mga alon na pumawi sa mga matang may mga bahid pagdurusa.

Nang matapos ang misa ay pumunta kami sa kinaroroonan ng banal na imahen ng santo. Maraming mga kasaysayan pala na pinagdaanan ang banal na santo, may mga tao na humahalik sa kanyang damit, may nag-aalay ng mga pabango, ginto, pilak at mga mamahaling mga kasangkapan. Kami walang dala. Malayo pa nag sweldo. Walang O.T. Lumuhod ako, at hinalikan ang kanyang damit. Ang katabi ko, pinunas ang damit sa kanyang pawisang katawan, ginawang towalya ang damit ng santo.

Hindi pa tapos ang paglalakbay, pumunta kami sa mystical na kweba ni Inday Nelly. Manggagamot daw si Inday Nelly. Napanaginipan niya daw ang kweba nang bata pa siya. May mga bloodstone siya na ayon sa mga nakasaksi, nakapagpagaling ng mga nakakamatay na mga sakit kagaya ng kanser.

Medyo mataas ang inakyat namin. Mabato. Matarik. Delikado. Nakadollshoes pa naman kami, ramdam na ramdam namin ang mga bato na tumutusok sa aming mga talampakan. Tinulungan kami ng butihing tour guide na makapasok sa kweba. Sa bungad pa lang ay may lumabas na paniki, ibon daw, pero paniki yun! Walang gustong pumasok. Ayaw ko. Takot ako sa dilim. Pero mayorya ang nanalo, 2-1 ang boto kaya napilitan akong pumasok. At sayang din naman ang 40 pesos na entrance.

Stalactites ang nasataas, stalagmites ang nasa baba. May mga nakaukit na mga imahe ni Jesus, Maria at ang holy family. Medyo mahirap huminga dahil siguro mababa ang oxygen level sa kweba. Dito daw nagshooting ang marina at ibat-iba pang teleserye. May kababalaghang taglay ang kweba, may naaaninag kang hindi pangkaraniwan sa anino, may mga naririnig kang mga tinig, pero hindi siya nakakatakot, kailangan mo lang na buksan ang ilaw, sundin ang liwanag. Kailangan niyong magkapit bisig para walang maliligaw na isa, kahit takot siya, kailangang bigyan mo siya ng lakas ng loob, huwag mo siyang itulak sa mga balon na puno ng mga kung ano-ano.

Sa loob ng kweba hindi namin pinabayaan ang isat-isa.

Kung may naituro man ang paglalakbay naming tatlo sa Antipolo, iyon ang ang katotohanan ng buhay. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking kweba, madilim, kailangan mo ng mga ilaw para matuntun mo ang gusto mong puntahan. Hindi mo kaya na mag-isa, kailangan mo ang mga taong may malasakit, may pagmamahal.

Nang bumaba kami sa bundok, naniwala ako na may kapangyarihang taglay ang kweba ni Inday Nelly, hinilum niya ang puwang sa aming mga dibdib, ginamot niya ang mga pangamba at may iniwan siyang mga aral sa aming mga isipan na hindi naituturo sa the Fort.

Sa susunod na mga kabanata, ating tuklasin ang Ibat ibang kulay ng Binondo.