Tatlo ang espesyal na uri ng pag-ibig. Ang una, ay ang pag-ibig ng isang magulang sa anak, ito ay ang isa sa mga hindi matitibag na uri ng pagmamahal. Ang pangalawa naman ay ang pag-ibig na masaya dahil nag-iibigan kayo ng tunay, “true love” kung baga. Ang pangatlo ay ang pag-ibig na may forever—“sacrifice”.

Ito ang uri ng pag-ibig na walang hinihinging kapalit. Ito ang uri ng pag-ibig na kahit alam mo na masasaktan ka ay ipagpapatuloy mo pa din. Ito ang uri ng pag-ibig na kaya mong magpa-alipin sa taong mahal mo para masilayan man lang siya, dahil ang bawat atensyon niya ay parang pagkain na bumubusog sa iyong mga laman.

Nakilala ko si Janice. Mabait siya, sobra. Ngunit ang kabaitan niya ang nagdala sa kanya sa isang sitwasyon kung saan nakaya niyang lunukin ang pait ng isang pag-iibigan na alam niya naman na mauuwi sa wala.

Alam niya naman na walang pagtingin na espesyal sa kanya ang lalaki pero patuloy pa din ang kanyang walang habas na pagbuhos ng matamis na pagmamahal para sa lalaki. Umalis siya sa trabaho niya para sundan ang lalaki na nagpapatibok at nagpapasayaw sa kanyang kaluluwa. Ayon sa kanya, walang silbi ang trabaho kung wala ang lalaki na tinuturing niya na kapi sa umaga at gatas sa gabi.

Ngayong komplikado na ang lahat ay lumapit siya sa akin dahil sa pag-aakalang may maipapayo ako. Yun nga noong, una, gusto ko siyang sampalin dahil kailangan niyang magising sa kanyang pagkakahimlay mula sa libingan ng pagkahibang at walang patutunguhang pagmamahal. Gusto ko siyang sapakin sa tiyan para mailuwa niya ang ilusyon at delusyon.

Ngunit, mali ako. Nalaman ko na may isang uri pa pala ang pagmamahal.

Hindi kailangan na panalo ka dahil ang pagmamahal ay hindi isang paliksahan.

Hindi kailangang masaya ka palagi dahil ang pagmamahal ay hindi isang komedya.

Hindi kailangang may happy ending dahil ang pagmamahal ay hindi isang pantaserye.

Kay Janice ko nalaman na kaya pala ng tao na magmahal kahit walang kapalit, kahit one-sided lang, kahit na alam mo na hindi mo siya makukuha kahit kailan man. Sabi pa nga ni Janice habang kumakain kami ng siomai sa Boni, habang nginunguya niya ang garlic chilli sauce,

“ngayon sa pisikal na mundo pwedeng hindi maging kami, dahil may mahal siyang iba, pero, malay natin sa kabilang buhay, matutunan niya akong mahalin.”

May kilala ka din bang kagaya ni Janice?

-Mutya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s