Sabi nga ni Alfred, ang buhay namin sa Pasig araw-araw ay nagsisimula sa sakuna at delubyo.

Tama naman siya.

Gigising kami ng 6AM, makikipagsabunutan, tulakan at murahan ng isa at kalahating oras, bago dumating sa opisina ng 9AM, swerte na kung 830AM.  Mabuti na lang at nakakaganda ng Mural namin sa office, at mas maganda kung ngiti ni Jim ang sasalubong sa iyo.

Kanina ang pinakamalala, dalawang oras kami na naghintay, nagtulakan, nahipuan at namura habang nakikipaglaban sa pagsakay sa jeep. Habang pawisan kami, tinanong ko si Alfred;

“Kailangan ba talagang sampalin natin ang ating kapwa Pilipino para makasakay lang sa jeep.?”

Biglang lumawanag nga ang paligid. Lumabas ang araw. Naghawak kamay kami. Narinig namin ang mga salitang:

“If you don’t like the path, change the path.” Syempre, sigurado kami na galing iyon kay Maam Rhodora Palomar- Fresnedi. ¬†Yung tinuturing namin na ina o queen mother, ang nagluwal ng Mutya galing sa putikan. Ang nagturo na may magagawa kami sa Pilipinas.

Sa halos isang taon namin na pakikipaglaban sa Pasig ay may magagawa pala kami. Nagawa nga namin na e zero ang diarrhea sa Iloilo.

Nakapagdesisyon kami, sa gitna ng lahat na hagulhul, pagkaipit ng mga paa at pagdugo ng baog na kuko dahil natapakan ng isang lalaki na nagmamadali dahil huli na sila ya klase sa RTU at sa mga barker na humihingi ng limang piso, ay nakapagdesisyon kami na lisanin na ng tuluyan ang lugar na ito sa lalong madaling panahon.

We don’t like the path. Kaya we will change the path.

#Mutya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s