Mga Bugtong Sa Medical ICU

whisper-small1Oyy, nainis naman yung mga tagasubaybay sa world of mikee. Hindi ko kayo iniwan mga serena! May inatupag lang ako na mga anik-anik sa mundong ibabaw para may maihatid ako sa inyo na mga balita at kwento.

Puno na ang bangga ng mga kwento! Halos isang buwan akong nawala sa ere kasi, una, lumipat ako nga bahay, syempre naghakot papuntang third floor. Ikalawa, umuwi ako sa Iloilo due to a very important family matter, at ikatlo, pumasok ako sa bago kung mundo: ang Medical ICU. Dream come true! Haha.

Syempre, dapat munang mag adjust, ibang environment naman ito teh! Kaya medyo nawala ako sa online world sa loob ng isang buwan. Pero ngayon, nagbabalik na. Every week na lang ang release ng bunganga at of course, during special occasions.

Ayaw ko naman kayong dalhin agad sa bago kung mundo. Ayaw kong e off-orient kayo, preceptor muna tayo ha. Kaya, simulan natin sa mga bugtong!

  1. Ito na, ito na, hindi pa makukuha —– “Food to watcher”

  2. Nawawala, wala namang kumukuha—MICU CSS

  3. Sumisigaw kahit hindi naman sinasaktan— PLUM

  4. Lasing na si Ate, oras-oras ang pag-tagay-— URINAL

  5. May lumalabas kapag pinindot-pindot—STERILIUM

  6. Hindi naman bahaghari, pero maraming kulay—CARDIAC MONITOR

  7. Alis, alis ayaw ka naming makita—Pressure Ulcer

  8. Sipsip ng sipsip hindi naman lamok—Suction

  9. Granada na nga pero hindi naman sumasabog—JP drain

  10. Kailangang palaging deep-throat-— ET TUBE

  11. Hindi tao, hindi hayop, pero palaging busog— Diaper

  12. Stress na pero maganda pa din—Manager, Charge Nurse

  13. Hindi guardian angel, hindi Dyosa pero matulungin at maganda-— Staff Nurses!

  14. Hotdog na naging bato pa—Ultrasound technician na gwapo na for KUB sana.

Hahaha! Ang saya-saya, ibalik natin ang bugtong sa ating mga buhay. Hindi mahirap ang mga bagay-bagay kung masaya ka sa iyong ginagawa. Ang pagod, nakukuha ng tulog, minsan ng mga technician ng Ultrasound, X-Ray, RT at Dialysis.

May kwento pa ako sa inyo sa susunod na blog, regarding kay Ultrasound boy. Idalangin niyo please na may Kidney, Ureters

at Kidney ultrasound ako.

Hanggang sa muli!

Love,

Mikee

Hanggang sa muli!

Love Mikee

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s