safe_image

Araw ng pagkabuhay!!!! Naku isang lingo na naman akong nawala sa ere. Marami kasi akong pinuntahan at inikaso ng nakaraang araw.

Lunes, may binisita ako sa ospital.

Martes, pumunta ako sa isang Museo sa Metro.

Myerkules, Nagbayad ng renta sa Landlady, o mahaba-habang kwentuhan at kwentahan yun!

Kanina, pumunta sa isang bookstore para magtanong ng mga lumang libro. Gusto ko kasi CLASSIC!

 

Ngayong araw, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi na raw pwedeng umangkas sa motorcycle sa Mandaluyong, dahil ito ang ginagawang Modus ng mga gunmen ngayon. Marami kasing patayan nga nainvolve ang tinatawag na riding in tandem.

Sa karatola na aking nakita sa tulay ng Mandaluyong, ang pwede lang ay yung magkapamilya, bata at babae at lalaki na nag-aangkasan. Huhulihin ang sino mang makikita na nakaangkas sa motor, lalong lalo na, (Hold your breath) DALAWANG LALAKI!

Ano ang implikasyon?

Una, paano kung kagaya ko na mahilig umangkas sa motor, pero wala naman akong baril?

Pangalawa, paano yung mga nag-iibigan na mga DIWATA na hinahatid sundo sa Pioneer Street at iba pang lansangan sa Mandaluyong. e, huhulihin sila.

Pangatlo, paano na ang dream ko na makaangkas sa MOTOR ni PAOLO?

 

Dahil diyan, ito ang mga kasagutan. Practikal na mga sulosyon.

  1. Magbisekleta na lang, mura pa dahil walang gasolina. Maganda pa sa kalusugan.
  2. Magbihis babae ang mga DIWATA, maglagay ng mga suso, at mag WIG para hindi mapagkamalang lalaki.
  3. Para sa akin, dahil parang hindi na matutupad ang pangarap ko na makasakay sa MOTOR ni Paolo ay, HUWAG NA LANG KAMI SA MANDALUYONG, doon na lang Fort, Sa Manila Bay, at iba pang lugar na masarap puntahan at makainan.

O’xa!  Yan lang muna sa ngayon, huwag umangkas at sumunod na lang sa batas dahil para naman ito sa ikabubuti ng lahat. Lakad-lakad na lang muna.

Love,

Mikee

Sino si Paolo? Malapit na!!!!

BABALIK AKO PROMISE!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s