Dahil martes ngayon ay dadalhin ko kayo sa mundo ng LRT. Sa pagkasikip-sikip ng mundong ito, pero puno ng katotohanan ng buhay. Buwis buhay ang blog na ito. Pwede na akong mamatay sa mga nasaksihan at natutuhan. Halika pasukin natin ang mundo ni Grace na siyang pintuan natin para maintindihan ang kababalaghan sa loob at labas ng Metro Rail Transit.

North Avenue Station

Matamlay ang paghahakbang ni Grace paakyat sa SM North EDSA. Mabigat ang kanyang dinadala. Naghahalo ang pawis at iba pang likido sa kanyang mukha buhat sa labing dalawang oras na pagsisilbi sa bayan. Gutom siya. Pero mas nananaig ang uhaw na kanyang dinarama. Umupo siya sa gilid ng SKYGARDEN na siyang naging paraiso na niya. May limampung klase ng halaman at bulaklak sa skygarden. Ang mga tubig na dumadaloy na parang mga ilog ay gusto niyang inumin. Mabuti pa ang mga bulaklak busog sa pag-aaruga ng lupa at haplos ng tubig. Gusto niyang maging isang bulaklak. May dumapo sa kanya, Hindi paro-paro.

 

www.sm-northedsa.com

Roosevelt Station

Dahil dumapo ang pakpak ng kalungkutan sa mga puso ni Grace ay minabuti niyang sumakay sa MRT. Nahipuan siya sa North Avenue, pero OK lang. Ngayo’y binabagtas niya ang riles papuntang Roosevelt station. Ang mga tuhod niya’y parang bibigay na. Ang likod niya’y parang may mga karayom. Kahit anong body mechanics ang kanyang gawin ay bumibigay ang manipis niyang katawan. Dinaanan ng kanyang paninigin ang tuktuk ng simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Bago Bantay. Mabuti pa ang Iglesia, may boses , iisa ang galaw, iisa ang mithiin, ngunit sa pagiging public servant minsan ang ating pagkatao’y nagkakawatakwatak. May pumasok sa kanyang bulsa.

Iglesia ni Kisto

Monumento Station

May kahabaan ang paglalakbay mula Roosevelt hanggang Monumento. Dinampot ni Grace ang kamay sa kanyang imahinasyon na pumipigil sa kanya, sa gusto niyang gawin. Pumasok ang napakaraming tao sa loob ng tren. Nagkasiksikan. Nagkatitigan. Nagkahipuan. Nakuha ang atensyon ni Grace ng isang gwapong lalaki na sumakay. Pawis na pawis, nakangiti, masaya. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Masaya ba siya? Pumasok sa kanyang isipan ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Monumento. Sumibol ang katapangan sa kanyang mga buto. Katulad ng katapangan ni Bonifacio noong digmaan. May digmaan din sa puso ni Grace ngayon. Makabagong digmaan. Gobyerno Vs. Relihiyon. Politiko na kurakot Vs. Sa mas kurakot. May dumila sa kanya.

Photocredit: miscetcetera.com

5th Avenue

Bakit mo ako dinilaan? Tanong ni Grace sa kasabay na lalaki. Apat na makikisig na mga Adonis ang nakaharap sa kanya. Balikat sa balikat. May nag-aapoy sa loob ni Grace. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Ang apoy ay pinatay ng “napakalamig at sapat” na aircon kasabay ng pagtigil ng tren sa 5th Avenue. Ito ang hindi niya gusto. Ang temptasyon sa mundong ibabaw. Public servant ako na may dangal, hindi ako bayaran. Kasabay ng pag-alis ng tren ay nakita niya ang Thai To Taoist Temple Pagoda. Gusto niyang maging isang monghe. Gusto niyang pumalayo sa mga temptasyon. Ayaw niya ng mga bagay na makakasira sa kanyang moral. Gusto niyang pumasok sa templo: lumuhod, tumuwad at humiga. May humawak sa kanyang pwet.

temple

                      R. Papa Station.

R. Papa na. Ang isa sa pinakapaborito niyang estasyon. Pinigil niya ang kamay ng demonyo sa kanyang pwet. Hindi talaga tumitigil ang demonyo. Gusto pang humirit. Oo, masarap ang bawal sa mundo, pero ang lahat ng bawal ay may nakakatakot na kabayaraan. Dinaanan ng kanyang paningin ang Manila Chinese Cemetery. Nagimbal siya. Nangilabot. Pinagpawisan. Ang pagkakataon nga naman, mapagbiro. Tayo ay nabubuhay dahil sa huli mamamatay lang din naman. Kakainin lang tayo ng mga uod. Ihahalo sa tubig pagkaatapos ng creamation. Sa isip ni Grace, ayaw niyang mamatay na walang silbi. Public servant siya!

Photocredit: lakwatsero.me

 

Abad Santos Station

Sumikip na naman ang tren. Ibat-ibang tao naman ang pumasok. Naulit ang proseso. Nagkatulakan, nagkamurahan, nagkahipuan. Ang iba ay naiwan. Ang iba ay natapakan. Sa mga mata ni Grace ang buhay ay isang malaking laro. Paunahan. Pagalingan. Pagandahan. Isang lalaki na naman ang pumasok sa kanyang paningin.

“Blumentritt station”

Nakatitig na naman ang lalaki sa kanya. May kung anong pakiramdam na nanganak sa laman ni Grace. Hindi niya kaya ang titig ng binata, masyadong nakakasilaw at marahil nakaka-akit. May tattoo ang lalaki sa kanyang leeg. Mansanas. Sa puntong iyon, iniwan ni Grace ang kagustuhang kagatin ito. Ayaw niyang maaging si Eva sa halamanan ng Eden.

Tayuman Station

Gusto niyang bumaba pero masyadong masikip. Gusto niyang puntahan ang Department of Health at ipagsigawan na tulungan ang mga mamamayan na naghihintay sa pagdating ng ulan.

Sa bambang station nakita ni Grace ang mga nangangalimos.

Sa Dorotheo Jose nakakuha ng kanyang atensyon ang Hotel Sugo.

Isang kakaibang Carriedo ang bumulaga kay Grace. Naglalakihan at naghahabaang mga kandila ang pumasok sa tren. Nalangin siya.

“Oh, poong Nazareno, alam kong hindi ako nakasindi ng kandila, pero nawa ay gabayan niyo po ako sa araw-araw ko na buhay public servant sa Gobyerno. Bigyan niyo pa po ako ng lakas. Bigyan niyo rin po ng lakas ang kapwa ko public servant.

Sa Central Terminal naalala niya ang kanyang kasaysayan. Kung paano siya napadpad sa Manila. Ang unang gabi niya sa kalye, ang mga malulutong na halakhakan. Balang araw, mailalagay din ang pangalan niya sa Pambansang Museo malapit sa central station. Huwag lang sana mabaril siya sa Luneta.

Sa United nations station, alam niyang may batas pa, ngunit nababali naman. Hindi lahat kaya ng Korte Suprema.

Sa Pedro Gil, naramdaman niya ang sigaw ng mga tao na gustong magpagamot sa PGH. Ang mga hinagpis ng namatayan at mamamatay pa lang dahil sa walang pera pangpagamot.

Sa Quirino Station, gusto niyang pakawalan ang mga nakakulong na mga hayop sa Manila Zoo. Kung hindi man, gusto niyang ipasok ang mga tao na bagay sa Zoo.

Sa Vito Cruz, ay napaagtanto niya na hindi pera ang hanap niya. Kahit nasa harap niya ang bangko sentral ng Pilipinas ay wala siyang paki-alam. Gusto niya lang maging masaya.

Sa Gil Puyat, gusto niyang maglaro sa Star City kagaya ng bata na walang iniintindi.

Sa Libertad, gusto niyang magconcert sa Cuneta Astrodome. Magaling pa naman siyang kumanta.

Sa EDSA station ay gusto niyang libutin ang SM Mall of asia pero pagod na pagod na siya.

ilonggoexplorer.wordpress.com

Tumigil ang Tren sa Baclaran Terminal. Natapos na ang mahabang byahe ni Grace. Wala siyang dala-dala, ang tanging dala niya lang ay ang kanyang mga natutunan sa loob ng tren. Ang buhay public servant ay parang pagsakay sa LRT, masalimuot, maraming mga pagtigil, paghintay, hikbi at pag-iyak. Sa lahat na pinagdadaanan ng isang public servant, sa lahat ng kanyang pagbanogn at pag-aaruga sa kanyang mga mamamayan ay wala siyang inisip kundi ang kanyang responsibilidad. Sa hinabahaba ng LRT ay marami siyang natutunan sa buhay. Hindi ni Grace nakita ang kasagutan sa kanyang mga katanungan. Putol na ang linya ng LRT sa Baclaran, pero may bus pa naman. Ang kasagutan ay one ride away lang. Sa pagpasok ni Grace sa pintuan ng simbahan ng Baclaran, nang nakita niya ang mga imahe ni Mother of Perpetual Help ay tumulo ang kanyang mga luha. May sagot na siya. Ang kapalaran niya ay nasa kanyang loob, hindi sa mga mantatawas at manghuhula sa labas ng simbahan. Inialay niya sa Diyos na naglalang ng lahat ng nabubuhay sa mundo, mga hayop at may sa hayop lang, sa mga halaman, bulaklak at lahat-lahat-lahat ng mga may buhay at mga namatay sa mundong ibabaw!

Advertisements

2 thoughts on “Ride the MRT/LRT today.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s