Sa Mundo ng Tuitorial

“Tinuruan ko siya ng English Grammar, tinuruan niya akong umibig.”

Fiesta na ng mga kwento na binubuo ng isang daang salita!!!!!. Para sa una nating kwento, papasukin natin ang mundo at buhay pag-ibig ng isang dalaga na umibig sa isang Koreano. Halika pasok na!

Umiikot ang mga mapuputing butil ng buhangin sa Bora. Malamig ang ihip ng hangin na dumadapo sa batok ni Jessa. Biglang nag-iba ang temperatura ng hangin, umiinit ito. Nakayakap si Junli, ang bawat paghinga niya ay parang uling na nagpapakulo  sa malamig na puso ng dalaga. Matapos ang halos kalahating taon na nawalay sa piling ni Jessa ang kasintahan na umuwi sa Korea, ay napagtanto niya na mahirap ang makipagrelasyon sa mga banyaga. Palaging wala, sa Kakao talk na lang nagkikita. Nawala ang maiinit na hininga sa batok. Lumipad pabalik sa Korea si Junli.. Patuloy ang paghikbi. Patuloy ang tuitorial.

Pagsisid sa nilalaman ng Kwento

Ang mapawalay sa mahal mo ang isa sa pinakamasakit at mahirap na sitwasyon sa isang relasyon. Marahil, ito ang palagiang nangyayari ngayon dahil sa globalisasyon.  Si Jessa ang isa sa mga maraming mga English tuitor ng mga dumayong mga Koreano sa Pilipinas. Ang ating bansa ang isa sa mga pinupuntahang lugar kung Ingles lang ang pag-uusapan. Halos lahat ng mga Pilipino ay marunong gumamit at nakakaintendi ng Ingles.

Ngunit dahil sa mapagmahal ang mga Pilipina, at likas na talaga ang pagiging maaruga ay sa hindi inaasahan nahuhulog ang loob sa mga Koreano. Hindi man sinasadya ay nakukuha ng mga singkit, matangkad at may malalaking katawan ang mga puso ng mga Pilipina. Hindi din natin makakaila na isa sa mga panaginip ng mga dalaga ang magkaroon  ng kasintahan na banyaga at makapangasawa para maging gwapo ang mga anak. Madali lang isipin pero napakahirap kung nasatotong buhay na. Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na magbigay ako ng halimbawa ng mga kwento na nadinig at nasaksihan ko  na may kinalaman dito.

Eden and Jinye (2012) – Nagkakilala sa tuitorial, umalis sa Pilipinas ang lalaki, hindi binalikan si babae.

Joyce and Kim (2011)– Matamis ang pag-iibigan, nangako ang lalaki na babalik, pero pagkalipas ng dalawang buwan bumalik ang lalaki, ngunit may BF na bago na ang dalaga.

Maria and Lee (2009)- Nangako na babalik ang lalaki. Nawala ang komunikasyon. Pagkaipas ng isang taon bumalik ang lalaki, ngunit hindi na virgin si Maria, may anak na siya at asawa na driver ng trisikel.

Pag-ahon sa mundo

Sa madaling sabi, tatlo ang kailangan para maging matagumpay ang relasyon sa isang dayuhan. Una, Komunikasyon. Ngayon, pwede kanang gumamit ng Facebook, kakao talk, skype at iba pa para mapanatili ang komunikasyon. Ika nga, ang komunikasyon ang bubong ng isang relasyon. Kahit batuhin man kayo ng ano mang mga panira, dumating man ang matinding sakuna ay makakaya niyo itong sanggain. Pangalawa, pananalig sa pangako at sa isat-isa. Oo na, hindi na ngayon naniniwala ang karamihan sa kapangyarihan ng pangako, pero wala namang mawawala diba? Nangako si Gen. Mc Arthur na siyay babalik, tandaan! At bilang panghuli, tapang. Tapang na kaya mong isugal ang lahat para makuha ang gusto mo. Ito ang sa karamiha’y nawawala sa isang relasyon. Ipaglaban mo iyan! Kung hindi niya kayang pumunta sa Pilipinas, ikaw ang pumunta sa Korea. Magbook na ng flight. Mag peso flight na!

O’xa! Iyan na muna. Umibig lang kayo ng umibig dahil sa pag-ibig, marami ang nangyayari. Walang talo sa pag-ibig, lahat panalo.

Nagmamahal, 

MIKEE

Mikee

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s