Dinala na naman ni Judy si Kevin, ang Florante ng aking mga panaginip. Dinala rin ni Madam Ana si Doc. na siyang sumibat ng aking nagdadalagang puso ng una ko siyang nakita. Ako, wala akong dala-dala kung hindi ang tanging pag-asa na nawa ay makita ko na ang Prinsipe na ginawa ng Bathala para sa akin. Hanggang panaginip na lang ba ang lahat? Maganda naman ako kagaya ni Madam Ana, hindi nga lang kaputian pero masarap naman ang tsokolate ha! Maganda naman ang mga palda ko kagaya ni Judy, may azul, ponkan at lila, iyon nga lang hindi gaano kalaki yung balakang ko.

Pinindot ko ng napakalakas ang keyboard ng aking desktop. Walang positive ngayon! Wala! Sa bawat dinig ko ng mga matatamis na bulong ni Madam Ana at doc ay parang kinakatay ang aking laman. Pupunta na sila sa US, ako maiiwan.

“Tama na! Sobra na!”

Sa bawat pagbitaw ni Kevin ng mga matitipunong mga salita galing sa mabigote niyang bibig ay parang hinihugot ako ng lupa. Bumabalik sa akin ang kakaibang amoy ng kaibigan kong si An na parang naaagnas na. May sa pusa talaga ang babaeng iyon.  Parang gusto ko na ring maagnas, sa sakit at hapdi na aking nararamdaman. Ang bawat ngiti ni doc at ni Kevin ay parang mga kalamansi na nagpapakirot sa mga sugat na dala ng matatalim na kuko ng kawalan at kakulangan.

Namatay na si Robin Williams sa depresyon. Ayoko kong sumunod sa hukay! Kailangan kong tanggapin na babae sila, ako binabae. Kailangan kong tanggapin na may hinuhulma pa ang Diyos –ang para sa akin. Nauna lang sina madam Ana at si Judy. Darating din ang araw ng paghahatid ng regalo para sa akin.

 Ang Diyos ay mapagbigay.

 Ang diyos ay mapagmahal.

Ang Diyos ang naglalang sa akin.

 Ngunit, ang sobrang selos ang papatay sa akin. Ang buhay ay puno ng paghihintay, puno ng pangako. Ngunit sa bawat paghihintay natutunan natin ang mga bagay-bagay. Kung walang paghihintay hindi ko matutunan na pahalagahan ang oras, hindi ko makikilala ang mga tao ngayon, hindi ko maaalala ang mga nangyari kahapon. Malamang si madam Ana na ang nagmamay-ari kay doc at si judy na ang makikipaglaro ng basketball kay Kevin sakay ang bago niyang sasakyan, ngunit malay niyo sa kabilang buhay akin sila! Hahaha!

 

“O sige na, nandiyan na si Tunying! Baka siya na ang regalo ko!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s