Mabilis ang lahat ng bagay sa Maynila. Mabilis maglakad ang mga tao, parang hinahabol. Mabilis maubos ang pera. Mabilis tumakbo ang mga snatcher. Mabilis ang mga bus. Hindi si Kurt sanay sa mabilis, gusto niya kahit mabagal basta may patutunguhan. Mabigat at nakakabingi ang patak ng ulan. May bagyo na naman. May bagyo din sa loob niya. Mabigat ang loob dahil nawalan na naman. Mahina ang pitik ng puso. Matamlay, walang buhay. Kanyang pinalangin na sana ay tangayin siya ng mabugsong hangin na hinihimas ang kanyang mga laman. Iba ang himas ng hangin. Iba ang himas ng nang-iwan. Mabilis na huminto ang bus na may tatak MMDA disiplina C sa harap ng Boni terminal. Nakita niyang puno na, ayaw pa naman na nakatayo. Wala siya sa posisyon na mamili pa kahit gusto niya. Basa na ang pantalon niya, pati ang kanyang panloob. Parang iniihaw na baboy ang tunog ng mga gulong. Pagkabukas ng pintuan ay nagkatulakan, nagkahipuan, nagkamurahan.  Kalbaryo, walang langit kung rush hour. Hindi lahat nakasakay sa bus. Una-unahan lang ang buhay. Biglang kumaripas ang bus. Bastos ang drayber. Pero mas bastos si Kurt. Nahawakan niya ang hindi dapat mahawakan. Parang gusto niyang bumaba ngunit malayo pa ang Ayala. Ngumiti ang lalaki.  Nakasando lang.  Maputi . Mabango. Napahiya si Kurt. Ibinigay sa kanya ng lalaki ang upuan. Umayaw ito. Pinilit siya ng lalaki. Lumabas ang malamig na OO sa bibig ni Kurt. Pinainit ito ng mga nagsilaglagan na mga butil ng tubig sa katawan ng lalaki. Inuhaw si Kurt. Gustong uminom. Gusto niyang ipadiligan ang kanyang pusong tigang.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s